^

Bansa

Tinamaan ng 13,000 boltahe ng kuryente, OFW umuwing putol ang paa

-

MANILA, Philippines - Umuwing putol ang paa, lusaw ang limang daliri sa mga kamay at sunog ang mukha ng isang OFW makaraang tumama sa kanya ang 13,000 boltahe ng kur­ yente nang hagupitin ng sandstorm ang isang construction site sa Saudi Arabia.

Naka-wheelchair nang dumating sa NAIA Terminal 1 si Arnold Decina, 32, ng Binan, Laguna na lulan ng Saudia Airlines flight 860 kamakalawa.

Nangyari ang insi­dente noong Abril 13, 2008.

“Nasa loob ako ng truck at nagdidiskarga ng buhangin nang biglang magkaroon ng sandstorm. Walang nakapansin na lumaylay ang kable ng poste at pumalo ito sa bubungan ng truck,” ani Decina. 

Sa tindi ng lakas ng kuryente ay sumabog lahat ang gulong ng trak habang tumilapon si De­cina palabas ng sasakyan.

Nagising na lamang siya sa ospital kung saan apat na buwan siyang nanatili rito. Pinalitan ng stainless ang kanyang paa para makalakad sa tulong din ng dalawang saklay.

Tanging insurance para sa hospital coverage ang nakuha nito at wala na itong benepisyong na­ tang­gap maliban sa 1,900 riyals na binigay ng kan­yang employer at pama­sahe pauwi sa Pilipinas. 

Tiniyak naman ng OWWA kay Decina na may mga benepisyong makukuha ito mula sa OWWA fund na nakalaan sa mga biktimang gaya niya na posibleng abutin sa P25,000 dahil sa pag­kaputol ng kanyang kali­wang paa. Hindi pa mati­yak kung magkano ang makukuha para na­man sa naputol na mga daliri nito. (Ellen Fernando)

ABRIL

ARNOLD DECINA

BINAN

DECINA

ELLEN FERNANDO

NAGISING

NAKA

SAUDI ARABIA

SAUDIA AIRLINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with