Paule pinalaya

Nakalabas na kahapon si Jaime Paule pagka­tapos ng tatlong araw na pagkakakulong sa Pasay City Jail.

Umiiyak namang lumabas ng piitan si Paule kasabay ng pagsasabing niyurakan ni Senador Richard Gordon ang kanyang pagkatao sa pagpapa-kulong sa kaniya pati na aniya ang walang mga basehang akusasyon sa kaniya.

Si Paule ay sinasa­bing siyang bagman sa maano­malyang P728 milyong fertilizer scam na iniim­bestigahan ng Senado.

Nanin­digan naman si Paule na handa siyang hu­marap sa Senado sakaling muli siyang ipatawag sa pag­dinig nito.

Nakulong siya sa city jail noong Hu­webes dahil sa kautusan ng Mataas na Kapulungan. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments