MANILA, Philippines - Sinisimulan na ng Department of Energy (DoE) ang pakikipag-usap sa mga economic managers ni Pangulong Arroyo kung nararapat na bang ibasura ang Oil Deregulation Law. Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, ang lahat ng stakeholders ay kokonsultahin muna sa isyung ito bago magdesisyon ang gobyerno kung nararapat bang isulong ang pagbasura sa nasabing batas.
Aniya, gumagawa ng pamamaraan ang gobyerno upang mabigyan ng sapat na kapangyarihan ang DOE upang mahigpit na mabantayan ang oil industry sa supply at presyo ng mga produktong petrolyo nito. (Rudy Andal)