^

Bansa

Ama na nakabuntis sa 9-anyos anak, bulukin sa kulungan - SC

-

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Korte Suprema na mabulok sa bilang­guan ang isang ama na napatunayang nangga­ hasa sa 9-anyos na anak, na nagresulta din sa pag­bubuntis at panganganak ng huli sa Aroroy, Masbate noong 1998.

Sa kautusang ipinala­bas ng Supreme Court 2nd Division, pinatawan ng reclusion perpetua si Restituto Valenzuela, residente ng Barangay Con­cep­cion, Aro­roy, Masbate sa pagkatig sa naging hatol ng Mas­bate Regional Trial Court Branch 48 at sa pagpabor din ng Court of Appeals (CA) na guilty sa dalawang bilang ng kasong statutory rape ang akusado.

Nabatid na sinimulang gahasain ni Valenzuela ang anak noong 1994 nang 9 na taong gulang pa lamang ito, habang nasa gapasan ng palay ang ina at ang naka­ba­batang kapatid ay nagla­laro sa kapitbahay.

Sa takot sa ama mata­pos pagbantaan hindi nag­sum­bong sa ina ang biktima na may dugo ang kaselanan dahil sa panghahalay sa kaniya.

Disyembre 1997 ay muli umanong naganap ang panghahalay ng ama sa biktima, sa edad na 11 anyos at Agosto 1998 ay napansin ng ina na malaki ang tiyan ng anak. Oktubre 20, 1998 ay nagsilang na ito at inamin na ang ama ang nakabuntis.

Hindi na maaring itanggi pa ng akusado ang krimen nang ipanganak ang bunga ng panggagahasa kahit pa idinepensa nito na may galit lamang ang kaniyang ba­yaw kaya sinusulsulan na siya ay idemanda.

Una nang hinatulan ng mababang korte ng paru­sang kamatayan sa pama­magitan ng lethal injection subalit sa pag-amyenda sa batas, habambuhay na la­mang ang maaring ipataw sa akusado.

Pinababayaran din sa akusado ang biktima ng civil indemnity sa halagang P50,000 at P25,000 exemplary damages, batay sa kautusang ipinonente ni Associate Justice Arturo Brion. (Ludy Bermudo)

ASSOCIATE JUSTICE ARTURO BRION

BARANGAY CON

COURT OF APPEALS

KORTE SUPREMA

LUDY BERMUDO

MASBATE

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

RESTITUTO VALENZUELA

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with