Ebidensya dapat ilabas ni Ping

MANILA, Philippines - “Produce Sozuka or please, stop talking and just do your job.”

Ito naman ang hamon ng isang grupo ng mga empleyado kay Senador Panfilo Lacson para patunayan ang alegasyon nito kaugnay sa umano’y pagtanggap ng “lagay” ni First Gentleman Mike Arroyo at yumaong dating senator Robert Barbers mula sa mga contractors.

Ayon sa grupong Confederation of Government Employees Organizations (COGEO), dapat umanong maglabas ng ebidensiya si Lacson para patunayan nito ang kanyang alegasyon laban kay FG lalo pa at itinanggi na ni Trix Lim, ang kinatawan ng Japanese contractor na si Tomatu Suzuka ang bintang.

Iginiit ni COGEO Chairman Atty. Jesus Santos na wala ng kredibilidad si Lacson kung sakaling mambabato ito ng putik sa kapwa lalo na kung hindi nito mapapatunayan na tumanggap ng suhol si FG mula sa naturang kompanya.

“Mr. Lacson lost no time in bashing and besmirching the reputation of Mr. Arroyo and the late Sen. Barbers over his Suzuka allegations in media,” ani Santos. (BQ)

Show comments