^

Bansa

Valentine 'drama' sa NAIA

-

MANILA, Philippines - Animo’y isang “love story” sa pelikula ang na­sak­sihan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport matapos na payagan ng airport authorities ang isang lalaking nurse na makapag-propose ng kasal sa kanyang kasin­tahang flight attendant kahapon ng umaga, dala­wang araw bago ang Valentine’s day.

Sa harap ng mga kinikilig na pasahero at empleyado ay sinambit ni Eugene Pa­dua, 26, nurse sa UST Hospital ng Taytay, Rizal ang katagang “Will you marry me? at hingin ang matamis na “oo” ng kasin­tahan ng apat na taon na si Marian Ocampo, 23, flight attendant ng Asia Airlines.

Ayon kay Connie Bu­ngag, hepe ng MIAA Media Affairs Department, dumating si Ocampo sa NAIA Terminal 1 kahapon ng tanghali sakay ng flight OZ-701 galing Seoul, South Korea at nasorpresa sa inihandang marriage pro­posal ng kanyang nob­yo.

Sa arrival area, ma­sa­yang sinalubong si Ocampo ng kanyang nobyo habang pinapatugtog ang kanilang theme song na “Swept Away” na pinasikat ni Chris­topher Cross. Sa kalapit na lugar, nakatayo at bitbit ng mga kaibigan ng magnobyo ang isang tarpaulin na may larawan nila at may naka­sulat na “Will You Marry Me?”.

“All were watching, some even teary eyed, as the event unfolded.  The couple were later asked by the crowd to kiss, which they did as the people around were clapping their hands,” ani Bungag.

Nang tanungin si Pa­dua kung bakit napili nito ang NAIA na lugar upang gawin ang kanyang marriage proposal, sinabi nito na ngayon lamang niya nasundo sa NAIA ang kanyang katipan sa tuwing umuuwi ito mula sa flight. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ASIA AIRLINES

CONNIE BU

ELLEN FERNANDO

EUGENE PA

MARIAN OCAMPO

MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OCAMPO

SHY

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with