^

Bansa

Kudeta vs Adaza, 4 pa dinismis

-

MANILA, Philippines - Dinismis ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang kasong ku­deta na naisampa kina Atty. Homobono Adaza at apat na iba pa noong nakaraang taon.

Sa desisyon ni QCRTC Judge Samuel Gaerlan ng Branch 92, sinabi nitong hindi kinakitaan ng korte na sina Adaza at kanyang kapwa akusado ay nag­plano para sa pagsasa­gawa ng kudeta.

Ani Judge Gaerlan, may malaking pagkakaiba sa kasong pagplano ng kudeta at sa sinasabing plano ni Adaza na popon­dohan nito ang isasaga­wang kudeta.

Anya, wala namang na­kasaad sa Revised Penal Code hinggil sa pag­lalagak ng pondo para sa pagta­taguyod ng kudeta kaya walang kaso na maiidiin kina Adaza, Lt. Col. Oscar Ma­palo, dating Police Supt. Ra­fael Car­deño at retired Colonels Ernie Amboy at Cesar de la Peña.

Ang mga ito ay sinasa­bing utak sa planong ku­deta noong maaresto sa Holiday Inn noong isang taon.

Sa kanyang desisyon, sinabi ni Gaerlan na sina Atty, Raymond Fortun at co-complainant Joanne Laurilla ay bigo na patu­nayan sa korte kung paano nagka­ roon ng ka­song kudeta ang mga aku­sado. (Angie dela Cruz)

ADAZA

ANI JUDGE GAERLAN

COLONELS ERNIE AMBOY

HOLIDAY INN

HOMOBONO ADAZA

JOANNE LAURILLA

JUDGE SAMUEL GAERLAN

OSCAR MA

POLICE SUPT

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with