^

Bansa

World Bank inupakan din

-

MANILA, Philippines - May sariling motibo ang World Bank kung bakit idinadawit ang ilang opisyal ng pamahalaan kasama na ang Pangulo at First Gentleman sa umano’y bid rigging sa mga proyektong tinutus­ tusan nito.

Ito ang iginiit kahapon ni dating Surigao del Sur congressman at Local Water Utilities Administration chairman Prospero Pichay. Si­nabi niya na may mga sari­ling pinapaborang kontra­tista ang WB para isagawa ang mga proyekto nito sa bansa. Iyan aniya ang tunay na dahilan kung bakit pinag­bintangan ng World Bank ang mga kontraktor ng Pili­pinas na umano’y sangkot sa maanomalyang bidding.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pichay na may sariling mga kontrator ang WB na gustong makakopo ng mga proyekto sa Pinas na pinondohan ng naturang bangko.

Aniya, kabilang sa mga pangalang nabanggit sa WB report na nag-leak sa media, kung ayaw ng WB sa mga kontraktor, idinidek­lara nilang bigo ang bidding subalit kung ang alok na­ma’y higit pa sa tunay na bad­yet ng proyekto, agad nilang inaaprubahan ang kontrata.

Iginiit din ng dating mambabatas na dapat ding siyasatin ang WB dahil sa pagpabor sa ilang Kontra­ tista.

Ayon pa sa kanya, wala kahit isang proyekto sa kanilang lalawigan na pi­nondohan ng WB dahil ang bidding para sa Surigao-Davao Coastal Road rehabilitation plan ay tatlong beses na idineklarang “failure” dahil sa bid price na lam­­pas-lampasan sa ina­prubahang badyet para sa proyekto.

Nakapagtataka aniya na ipinagkaloob pa rin ng WB ang dalawang proyekto sa isang Korean contractor kahit na mas mataas kaysa sa inaprubahang badyet ang bid price nito. (Butch Quejada)

ANIYA

AYON

BUTCH QUEJADA

FIRST GENTLEMAN

LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION

PROSPERO PICHAY

SHY

SURIGAO-DAVAO COASTAL ROAD

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with