Lacson binira ng grupo ng empleyado
Dapat na umanong tumigil sa mga paninira si Senador Panfilo Lacson kay First Gentleman Mike Arroyo at sa ibang tao kahit walang mailabas na ebidensya at testigo lalo na ang hinggil sa umano’y katiwalian sa mga proyektong pinondohan ng World Bank.
Sinabi ng COGEO na dapat nang mahiya at tumigil sa pagbibintang si Lacson at sa halip ay maglabas na ito ng saksi at ebidensiya upang patunayan na hindi ito sinungaling at naninira lamang.
“Lubha nang agrabyado si Ginong Arroyo at ng iba pang sinisiraan ni Mr. Lacson ng tuluy-tuloy kahit walang ebidensiya dahil lamang sa senador siya,” sabi ni COGEO Chairman Atty. Jesus Santos sa isang pahayag.
Sinabi naman ni COGEO President Flor Ibanez na ang tanging malinaw sa mga paninira ni Lacson ay ang hangarin nitong magkaroon ng publisidad kahit na wala naman siyang pruweba sa kaniyang mga sinasabi. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending