^

Bansa

Jalosjos dapat malaya na - Bureau of Corrections

-

Nais ng Bureau of Corrections (BUCOR) na pala­ yain na si dating Zam­boanga del Norte Rep. Ro­meo Jalosjos dahil nabuno na nito ang ipinataw na sentensiyang dalawang habambuhay na pagkabi­langgo.

Ito ay matapos na ire­komenda ni BUCOR Director Oscar Calderon kay Justice Secretary Raul Gonzalez na palayain na si Jalosjos dahil sapat na ang ibinigay na serbisyo sa kulungan bukod pa sa na­bigyan ng commutation ni Pangulong Gloria Macapa­gal Arroyo kung kaya’t bu­maba pa sa 16-taon, tat­long buwan at tatlong araw ang sentensiya nito noong June 13,2007.

Aniya, bumuno na ng 5 taon si Jalosjos sa loob pa lang ng Makati City Jail at noong Dec 14, 2008 ay bu­muno uli ng anim na taon, 10-buwan at 10–araw sa loob naman ng New Bilibid Prison (NBP) na kung su­sumahin ay pasok na uma­no sa itinakdang sentensiya sa kanya dagdag pa ang mga puntos ng kanyang magandang pag-uugali sa loob ng kulungan.

Una ng lumabas si Ja­losjos ng kulungan ngunit mu­ling inaresto ng batiku­sin ng ilang grupo ang pag­papalaya dito. Si Jalosjos ay una nang sinampahan ng kasong statutory rape at nasentensiyahan ng korte noong 1996. (Butch Quejada)

BUREAU OF CORRECTIONS

BUTCH QUEJADA

DIRECTOR OSCAR CALDERON

JALOSJOS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MAKATI CITY JAIL

NEW BILIBID PRISON

NORTE REP

PANGULONG GLORIA MACAPA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with