Nabigo si Pangulong Arroyo na makausap si US President Barrack Obama sa ginanap na National Prayer breakfast sa Washington DC, USA.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na kasama ni Pangulong Arroyo sa Washington, pagkatapos ng speech ay mabilis na umalis si Obama sa nasabing event para dumalo sa kanyang panibagong engagement.
Ipinaliwanag naman ni Fajardo na hindi naman talaga intensiyon ng Pangulo na makausap si Obama dahil isang religious event ito.
Aniya, nakipagpulong si Pangulong Arroyo sa mga senators na nagtutulak ng Veteran’s bill bukod sa pakikipagpulong sa mga potential investors.
Nakatakdang bumalik sa bansa ang Pangulo at kanyang entourage sa Linggo. (Rudy Andal)