46 OFWs hinarang sa NAIA

May 46 overseas Filipino workers (OFWs) na patungo sa iba’t ibang bansa ang hinarang ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) at hindi pina­ yagan na makasakay sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa kakulangan ng travel documents at employment contract.

Ang 46 Pinay workers na nakatakdang umalis sa bansa sa magkakahiwalay na flight ay nasabat ng BI agents matapos na hindi tumugma ang kanilang ha­wak na employment con­tract sa kopya ng Philippine Overseas Empoly­ment Administration (POEA) kaha­pon.

Napag-alaman na 10 sa naturang bilang ng mga manggagawa na nasabat ay dati nang na-offload da­hil sa kakulangan ng do­kumento at pagtungo sa ipinagbabawal na bansa.

Personal na hinarap ni Immigration Commissio­ner Marcelino Libanan kagabi ang mga pinigil na OFWs at ipinaliwanag na mahigpit ang kanyang direktiba base na rin sa kautusan ng POEA na hindi pinapayagang ma­ka­labas ang mga mang­ ga­gawa na kulang sa travel documents at lalo na ang mga nagpapanggap na turista na ang layunin ay magtrabaho sa ibang bansa at sa Middle East na may pinaiiral na deployment ban.

Magugunita na 50 OFWs ang huling pinigil ng BI na lumabas sa Pilipinas dahil sa hawak lamang na visit visas patungong Abu Dhabi, United Arab Emirates na isa sa may deployment ban.

Nauna nang iniutos ng POEA na harangin ang mga OFWs na papuntang Middle East kabilang ang UAE dahil sa pinaiiral na deployment ban ng pama­halaan. (Ellen Fernando)

Show comments