Hinamon kahapon ng election lawyer ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Atty. Romulo Macalintal ang mga senador na nagnanais kumandidatong presidente sa halalan sa 2010 na magbitiw sa kanilang mga puwesto sa Senado.
Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal Jr. na, sa sandaling maghain ang mga presidentiable na senador ng kanilang certificate of candidacy, dapat bitawan na nila ang kanilang posisyon sa mataas na kapulungan upang ipakita ang kanilang sinseridad at hindi sila natatakot mawalan ng posisyon.
Kabilang sa senador na naunang nagpahayag ng kanilang pagnanais na kumandidatong presidente sina Manuel Villar Jr. ng Nacionalista Party, Mar Roxas ng Liberal Party, Loren Legarda, Francis Escudero at Panfilo Lacson. (Rudy Andal)