Payo sa college students: Mag-nursing na lang - GMA
Iginiit kahapon ng Malacañang sa mga college students na mag-shift sa mga practical na kurso para huwag maapektuhan ng nararanasang global financial crisis.
Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, ito ay dahil sa job mismatch kung saan ang mga job openings ay hindi para sa mga kur song tinapos ng karamihan sa mga estudyante.
“Tama na muna ang mga Liberal Arts, there is still great demand for nurses,” wika pa ni Sec. Remonde.
Ipinaliwanag pa ni Remonde, sa ngayon ay mas makakabuting kumuha ng kursong may kinalaman sa technology o nursing dahil ito ang mas in-demand sa kasalukuyan.
Aniya, ang mga nurses ay maraming job opportunities sa United Kingdom, Middle East at Europe bagama’t sinuspinde ang pagkuha ng nurses sa Estados Unidos.
Idinagdag pa ni Remonde, nais solusyunan ng pamahalaan ang job mismatch kung saan ay may mga ipinapatupad na programa ang Department of Labor and Employment gayundin ang Overseas Workers Welfare Administration.
Wika pa nito, may comprehensive livelihood and emergency employment program ang pamahalaan na siyang tumutulong sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sanhi ng global financial crisis.
- Latest
- Trending















