^

Bansa

Bihag na ICRC worker nagkasakit

-

Isa sa tatlong miyem­bro ng International Committee of the Red Cross (ICRC ) ang maysakit na bunga ng matinding ten­siyon at hirap sa pagta­tago sa kabun­ dukan na inaabot ng mga bihag sa kamay ng mga kidnappers.

Nabatid na dumara­nas ngayon ng hypertension ang Italian national na si Eugenio Vagni, 52 anyos, na may tatlong linggo ng hawak ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu, kasama ang da­lawa pang Red Cross workers na sina Andreas Notter, Swiss national at ang Pinay Engineer na si Marie Jean Lacaba.

Sa report ng Task Force ICRC, bagaman nagpadala na ng gamot para sa alta-presyon ni Vagni ay nanga­ngamba ang pamilya at mga kaibi­gan nito sa kan­yang kala­gayan.

Ang mga ito ay bini­hag ng mga bandido nitong Enero 15 ma­tapos na bu­misita sa sanitation project ng ICRC sa Sulu Provincial Jail sa bayan ng Patikul ng natu­rang lalawigan.

Ang nadismis na provincial jailguard na si Ra­den Abu ang sinasabing sang­kot rin sa kidnapping.

Positibo naman ang mga opisyal ng PNP at AFP na hindi na magta­tagal ay makakalaya na ang mga bihag.

Kabilang naman sa demand ng mga kidnappers ay ‘livelihood at development projects’ ga­yundin ang edukasyon para sa mga kabataan ng Sulu.

Samantalang patuloy namang naninindigan ang mga opisyal ng pa­ma­halaan na paiiralin ang ‘no ransom policy’ sa kaso ng mga bihag. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ANDREAS NOTTER

EUGENIO VAGNI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

JOY CANTOS

MARIE JEAN LACABA

PINAY ENGINEER

RED CROSS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with