^

Bansa

Pacquiao dudukutin!

- Joy Cantos -

Guwardiyado na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) si people’s champ Manny “Pacman” Pacquiao at pamilya nito matapos mabuko ang umano’y planong pagdukot dito ng grupo ng mga kidnaper.

“ The main concern here is not only Pacman but all the members of his family,“ ani PNP Directorate for Community Relations Chief P/Director German Doria.

Ang paghihigpit sa seguridad ay bunsod ng ibinulgar ni Bambi Doc­tolero, spokesman ni Pacman na nagbabanta umano ang kidnapping syndicates na dudukutin ang boxing idol at sinu­mang miyembro ng kan­yang pamilya kung saan P200-M ang hihinging ransom.

Nabatid na isang platoon na ang mga security escorts ni Pacman na bukod sa pulisya ay mayroon ring mga mi­yembro ng Philippine Army na mahigpit na nagpoprotekta kay Pac­man at maging sa kan­yang asawang si Jinky, apat na anak at iba pang miyembro ng pamilya sa General Santos City, South Cotabato kung saan naroroon ang ta­hanan ng mga ito.

Bukod sa kidnapping syndicates na nakabase sa Cebu City na darayo umano sa General San­tos para dukutin si Pac­man o sinumang miyem­bro ng kaniyang pamil­ ya, ay dalawa pang sin­dikato na nakabase sa Central Mindanao ang tinutu­tukan ng mga aw­to­ridad.

Ang Abu Sofia at Pentagon kidnap-for-ransom ay nag-ooperate sa Central Mindanao.

Aminado naman ang mga opisyal ng pulisya at militar na isang potensyal na target si Pacman dahil sobrang yaman na nito.

“If ever na kailangan pa niya ng dagdag na security escorts kaya na itong tugunan ng General Santos City Police and aside from that meron na rin siyang escorts from the Army,“ ani Central Mindanao Police Director Chief Supt. Fidel Cimatu.

ANG ABU SOFIA

BAMBI DOC

CEBU CITY

CENTRAL MINDANAO

CENTRAL MINDANAO POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

COMMUNITY RELATIONS CHIEF P

DIRECTOR GERMAN DORIA

FIDEL CIMATU

PACMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with