Nadismaya ang Palasyo sa mga kritiko ng gobyerno na patuloy na binabalewala ang mga pagkilos ni Pangulong Arroyo upang masawata ang epekto ng krisis na nararanasan ng mundo sa Pilipinas.
Kasabay nito, nanawagan si Press Secretary Jesus Dureza sa publiko na magkaisa dahil kailangan ng gobyerno ang lahat ng tulong upang malampasan ang krisis.
“We continue to call for unity. Our challenges are beyond politics,” giit ni Dureza.
Ayon kay Dureza, dapat pagdudahan ang mga prayoridad at mo tibo ng mga bumabanat sa Pangulong Arroyo dahil nais lang nilang umakit ng atensiyon mula sa media.
Ayon kay Dureza, magpapatuloy si Pangulong Arroyo sa pagkilos upang matugunan ang mga hamon na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan. (Butch Quejada)