Inaprubahan na kahapon ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang 2009 Baselines bill na nagtatakda ng archipelagic baselines ng Pilipinas.
Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, wala na siyang nakikitang hadlang para sa pinal na pagsasabatas ng baselines law at ma ihahabol ito sa May 21, 2009 na deadline ng United Nations.
Binawi ni Pimentel ang kanyang objection kaugnay sa isyu ng Kalayaan Islands at Scarborogh Shoal na magiging bahagi ng “regime of islands” sa halip na ipaloob sa ‘archipelagic baselines’. Sinabi ni Pimen tel na sinuportahan niya ang pinal na bersiyon ng Senate Bill 2699 matapos i-adopt ni Senator Miriam Defensor Santiago, chairman ng foreign relations committee, ang compromise sa mga nabanggit na contested islands at mananatiling subject ng paghahabol ng Pilipinas. (Malou Escudero)