Disbarment vs Resado umusad na

Hiniling kahapon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Korte Suprema na matang­galan ng lisensiya bilang abogado si Department of Justice (DOJ) State Prosecutor John Resado.

Sa complaint letter for Disbarment na inihain ng VACC sa Korte Suprema, dapat umanong matang­galan ng lisensiya bilang abogado si Resado dahil sa ipinakita nitong unethical conduct at conduct unbecoming of a member of the bar dahil sa pagkaka­sang­kot nito sa kaso ng suhulan ng Alabang boys.

Bukod dito, kuwestiyu­nable din ang P1.6M na idi­ niposito sa bank account ni Resado at sa asawa nito noong Dis. 2, 2008 na mis­mong araw kung saan nilag­daan nito ang re­solution na nagbabasura sa kasong droga ng Ala­bang boys.

Iginiit pa ng VACC na hindi katanggap-tanggap ang pahayag ni Resado na P800,000 lamang ang idi­neposito sa kanilang bank account na nagmula sa lending business nilang mag-asawa.

Kalakip ng nasabing letter of complaint ay ilang news clippings mula sa iba’t ibang pahayagan na nag­sa­saad ng mga istorya kaug­nay sa P1.6M deposit sa bank account ng mag-asa­wang Resado.

Naniniwala naman si Resado na hindi susulong ang disbarment case laban sa kanya dahil wala uma­nong basehan ang ale­gasyon ng VACC.

Masyado rin umanong maaga para hus­gahan siya sa mga bagay na hindi pa naman napapa­tunayan. (Gemma Garcia)

Show comments