^

Bansa

Clemency sa Pinoy na pari hiningi kay Obama

-

Umapela kay US President Barack Obama ang Public Attorney’s Office (PAO) upang pagkalooban ng executive clemency ang isang Pilipinong pari na nahatulan ng pangmo-molestiya sa isang 12-anyos na batang babae noong 1995.

Sa 2-pahinang liham ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, hiniling nito na mabigyan ng pagkakataon ni Obama sa pamamagitan ng Presidential Clemency at Parole sa ilalim ng batas sa US si Fr. Jose Superiaso, 54.

Sinabi ni Acosta sa kanyang liham na ang limang taong pagkakakulong ni Fr. Superiaso sa isang Rehabilitation Center sa Norco, California ay sapat na umano para maba­yaran nito ang kanyang pagkakasala.

Si Superiaso ay dating pari sa St. Andrew Catholic Church sa Daly City at nahatulang makulong dahil sa 21 counts ng child molestation.

Mariin naman umanong pinabulaanan ni Soriaso ang nasabing krimen at sa halip ay sinabing inosente siya sa kasong isinampa sa kanya. (Gemma Amargo-Garcia)

ACOSTA

CHIEF PERSIDA RUEDA-ACOSTA

DALY CITY

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOSE SUPERIASO

PRESIDENT BARACK OBAMA

PRESIDENTIAL CLEMENCY

PUBLIC ATTORNEY

REHABILITATION CENTER

SI SUPERIASO

ST. ANDREW CATHOLIC CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with