^

Bansa

1,200 travelers pinagbawalang umalis ng Pinas noong 2008

-

Itinuturing na ang Bureau of Immigration (BI) bilang aktibong kalahok sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal recruiters at human traffickers nang pigilin nito ang pag-alis sa bansa ng mahigit 1,200 katao, na kara­mihan ay biktima ng travel fraud syndicates, noong 2008.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan, halos 2/3 ng 1,215 pasaherong pini­gilang makaalis ay overseas Filipino workers (OFWs) na walang ka­rampatang clearance mula sa Philippine Over­­seas Employment Administration (POEA).

Ang mga nasabing pasahero ay nahikayat ng recruiters na magtra­baho sa ibang bansa kahit hindi kumukuha ng employment permits mula sa POEA, na po­sib­leng maging dahilan ng pagmamaltrato at pag-abuso sa ibang bansa.

Sa ulat ng BI, 801 sa mga nasabing pasa­hero ay OFWs na sinu­bukang umalis ay hindi kumpleto ang mga pa­peles at walang clearance mula sa POEA.

Pinigilan ding maka­bi­yahe ang 33 pasahero na may kahina-hinalang pasaporte, 23 na may questionable visas at 22 na pinaghihinalaang “tourist” workers (OFWs na nagpapanggap na turista).

Dagdag ni Libanan, hindi magsasawa ang BI na mapigilan ang pag-alis ng mga biktima ng illegal recruiters patu­ngong ibang bansa dahil katungkulan ng pama­halaan na ilayo sila sa panganib. (Butch Quejada)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DAGDAG

EMPLOYMENT ADMINISTRATION

ITINUTURING

LIBANAN

PHILIPPINE OVER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with