Marcos mansion hinihingi ni Irene

Hiniling ng bunsong anak ni dating pangulong Fer­di­nand Marcos na si Irene Marcos-Araneta sa Sandi­ganbayan na maibalik sa kanilang magkaka­patid ang kanilang mansion sa Canlubang, Laguna na unang na­se­kwester ng gobyerno at kasalukuyang nasa pa­ngangalaga ng Department of Tourism.

Sa report ng GMA news, sinabi ni Araneta sa anim na pahinang pleading na isinampa nito noong Enero 22 na dapat ibalik sa kanilang magkakapatid ang na­sa­bing mansion dahil sila ang registered owner nito.

Hindi rin umano naisailalim ang nasabing mansion sa anumang sequestration order ng Presidential Commission on Good Government.

Show comments