LTO pinarangalan sa kampanya vs korapsiyon

Ginawaran ng papuri at parangal ang Land Transportation Office (LTO) nang mapili itong ikatlo sa may 100 ahensiya ng pamaha­laan na patuloy na nagsa­sa­gawa ng kampanya upang mapuksa ang ko­rap­siyon.

Ang ahensiya ay napili bilang ikatlong compliant sa requirements ng Integrity Development Action Plan (IDAP) para sa 3rd quarter ng taong 2008.

Ang IDAP ay isang anti-corruption framework na pinatupad ng pama­halaan na sumesentro sa 22 specific anti-corruption measures tulad ng mga paraan para maiwasan, edukasyon, imbestigas­yon, enforcement at strategic partnership.

Ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na nangangasiwa sa LTO ay isa din sa top 10 IDAP-compliant noong 2007. 

Ang pagpapatupad ng automation sa proseso at mga transaksyon sa LTO o ang implementasyon ng LTO-IT interconnectivity ang  pangunahing dahilan kung bakit napili ang ahensiya bilang isa sa mga nangungunang compliant ng IDAP.

Layunin ng pagpapa­tupad ng mga intercon­nec­tivity projects na labanan ang korapsiyon sa ahen­siya gayundin ay tumutu­long sa pag-aangat sa propesyonalismo sa LTO. (Butch Quejada)

Show comments