LTO pinarangalan sa kampanya vs korapsiyon
Ginawaran ng papuri at parangal ang Land Transportation Office (LTO) nang mapili itong ikatlo sa may 100 ahensiya ng pamahalaan na patuloy na nagsasagawa ng kampanya upang mapuksa ang korapsiyon.
Ang ahensiya ay napili bilang ikatlong compliant sa requirements ng Integrity Development Action Plan (IDAP) para sa 3rd quarter ng taong 2008.
Ang IDAP ay isang anti-corruption framework na pinatupad ng pamahalaan na sumesentro sa 22 specific anti-corruption measures tulad ng mga paraan para maiwasan, edukasyon, imbestigasyon, enforcement at strategic partnership.
Ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na nangangasiwa sa LTO ay isa din sa top 10 IDAP-compliant noong 2007.
Ang pagpapatupad ng automation sa proseso at mga transaksyon sa LTO o ang implementasyon ng LTO-IT interconnectivity ang pangunahing dahilan kung bakit napili ang ahensiya bilang isa sa mga nangungunang compliant ng IDAP.
Layunin ng pagpapatupad ng mga interconnectivity projects na labanan ang korapsiyon sa ahensiya gayundin ay tumutulong sa pag-aangat sa propesyonalismo sa LTO. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending