^

Bansa

Farm worker nagka-ebola!

-

Isang farm worker ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang infected ng Ebola-Reston virus.

Ito ang lumitaw sa inisyal na pagsusuri ng US Center for Disease Control (CDC) sa mga blood samples na kinuha mula sa mga naapek­tuhang baboy ng nasa­bing virus at sa mga nag-aalaga sa mga ito.

Gayunman, ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, malusog ang panganga­tawan ng nasabing indi­bidwal at hindi nagkaroon ng seryosong karamda­man sa nakalipas na 12 buwan.

Ang nasabing ulat ay kinumpirma din ni Health Secretary Francisco Du­que at ng World Health Organization kahapon.

Gayunman, tumanggi si Duque na magbigay ng iba pang detalye hinggil sa report, partikular na ang edad at pangalan ng indibidwal.

Muli namang iginiit ni Duque na ang ebola res­ton virus dito sa bansa ay naiiba sa ebola na mata­tagpuan sa Africa na ma­aring magdulot ng naka­mamatay na hemorrhagic fever sa tao.

Sinabi ni Duque na ang nasabing farm worker ay nagtataglay ng virus’s anti-bodies sa kaniyang dugo. 

Samantala, tuloy ang pagpapatupad ng ban sa pag-e-export ng karne ng baboy.

Patuloy ding inaalam ang pinagmulan ng virus at nagpapatuloy ang gina­gawang scientific investigation dito. (Doris Franche)

DEPARTMENT OF HEALTH

DISEASE CONTROL

DORIS FRANCHE

DR. ERIC TAYAG

DUQUE

GAYUNMAN

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DU

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

SHY

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with