Pinasalamatan ni Philippine National Police Chief Director Gen. Jesus A. Verzosa ang lahat ng mga mamamayan na nagiging kabalikat ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at pag-unlad ng bansa kasabay ang pangakong gagawin ang lahat para magkaroon ng magandang pagbabago sa PNP.
Ang pahayag ay ginawa ni Verzosa para sa nalalapit na ika-18 anibersaryo ng PNP sa Enero 26 na may temang “Pambansang Pulisya: Kaagapay ng Mamamayan Para sa Kaunlaran at Kapayapaan.”
Nanawagan si Verzosa sa publiko na tumulong sa paglaban sa anumang uri ng kriminalidad. Nangako din ang chief PNP na paiigtingin ang pagpapatupad ng human rights sa Kapulisan kung saan isa dito ang hindi agad paglalantad ng suspek sa media.
Bibigyang pansin din ni Verzosa ang pagpapatupad ng pagbabago para sa mas mataas na antas ng moral, pisikal at intellectual ng mga pulis. (Butch Quejada)