Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na ‘tinamaan’ si Pangulong Gloria Arroyo sa speech ni US President Barrack Obama nang sabihin ng bagong presidente ng Amerika na iyong mga hindi bumibitiw sa kapangyarihan sa pamamagitan ng korupsiyon ay nasa maling panig ng kasaysayan.
Sa isang bahagi ng talumpati ni Obama, sinabi nito na “those who cling to power through corruption and deceit and the silencing of dissent, know that your are the wrong side of history; but that we will extend a hand if you are willing to unclench your fist.”
Naniniwala rin si Pimentel na nasapol din si Arroyo sa sinabi ni Obama na “Ang seguridad natin ay hindi incompatible sa ating mga karapatan”.
Idinagdag ni Pimentel na dahil wala pa ring napaparusahan sa mga opisyal ng militar na sangkot sa paglabag sa parapatang pantao, tiyak na nasapol din ang mga ito sa speech ni Obama lalo na yong mga umaabuso sa kapangyarihan. (Malou Escudero)