Bolante nakapag-withdraw na sa account ng fertilizer fund

Sinamantala ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Joc-joc” Bolante ang pagkaka-expired ng freezing order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa kanyang mga bank accounts kaya naga­wa niyang makapag-withdraw sa kanyang pera sa bangko.

Mismong si Bolante ang umamin kahapon sa pag­pa­patuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon kaugnay sa P728M fertilizer fund scam sa pagwi-withdraw niya sa kanyang bank account.

Pero nang tanungin ni Sen. Panfilo Lacson kung magkano ang na-withdraw niyang salapi, sinabi ni Bolante na “maliit lang” at hindi ito nagbigay ng ek­saktong halaga.

Ikinatuwiran naman ni Vicente Aquino, executive director ng AMLC na isang financial intelligence unit ang AMLC at wala na­ mang nagtanong sa kanila kung kailan ang expiration nang pagkaka-freeze ng account ni Bolante kaya hindi na nila ito ipinaalam sa komite.

Pero idinagdag din ni Aquino na maaaring mapa­ tawan ng parusa ang bang­ko dahil pinayagan ang pagwi-withdraw ni Bolante nang hindi ipinapaalam sa AMLC. (Malou Escudero)

Show comments