Nakahanda na ang pu wersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang tumulong sa tropa ng pamahalaan sa search and rescue operations sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na binihag ng mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.
Sa isang kalatas na ipinoste ng MILF sa kanilang website na luwaran.net, kinondena ni MILF Secretariat Chairman Muhammad Ameen ang pagdukot sa mga biktimang sina Swiss national Andreas Notter, Pinay engineer Marie Jean Lacaba at Italian engineer Eugenio Vagni.
Hawak sila ngayon ng grupo nina Abu Sayyaf Commander Albader Parad at Sulaiman Patah na sinasabing ipinagpapalipat-lipat ng taguan sa kagubatan ng Sulu.
Sinabi ni Ameen na isang uri ng ‘criminal act against humanity’ ang pag bihag sa grupo ni Notter kaya tutulong sila para mailigtas ang mga ito.
“They are helping everyone, especially the starving evacuees, without expecting anything in return. They are doing their mission without any tint of partiality, remorse and discrimination. We condemn this kidnapping and the kidnappers for committing this criminal act against ‘humanity,’” ani Ameen sa MILF website.
Sa kasalukuyan, nag sasagawa na ng blocking force ang puwersa ng pamahalaan para maiwasang mailipat ng taguan ng mga bandido ang mga bihag. (Joy Cantos)