Nagbabala kahapon si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ilegal at labag sa batas sakaling ituloy ng mga prosecutors ng Department of Justice ang balak na ‘mass leave’ bilang protesta sa kautusan ni Pangulong Gloria Arroyo na ilagay sa ‘leave of absence’ ang mga prosecutors na nakaladkad sa kaso ng ‘Alabang Boys’.
Ayon kay Sen. Santia go, maliwanag sa naging desisyon ng Supreme Court noong 2007 sa kaso ng Toyota vs. NLRC na ang pag-i-strike ng government employees ay ilegal kung taliwas ito sa isang specific probation ng batas.
“It would be illegal for prosecutors to go on strike, because it is prohibited by a 2002 resolution of the Civil Service Commission,” sabi ni Santiago.
Ginawa ni Santiago ang reaksiyon matapos mapaulat na pinag-aaralan ng tatlong grupo ng prosecutors ang National Prosecutors’ League of the Philippines, Chief Prosecutors Association at the State Prosecutors’ Association na maglunsad ng isang mass leave.
Layunin umano nang pagbabawal sa paglulunsad ng strike o welga na ma-disrupt ang trabaho sa gobyerno.
Idinagdag nito na ang remedy na lamang na natitira sa mga prosecutors ay ang principle ng “exhaustion of administrative remedies,” at isang bill sa Congress na naglalayong i-recognize ang karapatan ng mga empleyado ng gobyerno na magsagawa ng strike o welga. (Malou Escudero)