Wala nang magugutom na Pinoy!
Isang bagong teknolohiya ang isinusulong na tutulong sa pakikipaglaban kontra kagutuman at kahirapan sa buong Pilipinas.
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Margie Tajon, pangulo ng AltheaMed Pharmaceuticals, Inc., na hangarin niyang wala na ni isang Pilipinong magu gutom sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansiyang pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilya sa tulong ng Aquaponics technology.
Bukod sa makatutulong ito sa pagpapalakas ng food production, sa kalauna’y magbibigay din ito ng hanapbuhay sa maraming Pinoy.
Ang nasabing teknolohiya ay isang paraan ng ‘pesticide-free’ na pangangalaga ng mga isda at pananim.
Ang aquaponics ay isang paraan ng aquaculture (fish keeping) at hydroponics (soil less), isang sistema ng pagtatanim na gumagamit lamang ng natural methods o libre sa anumang pestisidyo.
Katulong dito ang tinawag na “Hughey system” kung saan hindi na gumagamit ng lupa o mga kemikal para makapagprodyus ng maraming isda, sariwang prutas at gulay kahit sa isang maliit na espasyo lamang sa sariling bakuran. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending