^

Bansa

Resulta ng 3 graft vs Gordon hiningi

-

Hiniling kahapon ng isang non-government group sa Office of the Ombudsman na ilabas ang naging resulta ng tatlong kaso ng katiwalian na isi­nampa laban kay Sen. Richard Gordon kaugnay sa P387M na ipinampasu­weldo sa mga empleyado noong siya pa ang hepe sa Subic Bay Metropolitan Authority.

Ayon kay Crusade For a Better Philippines Chairman Michael Say, dapat umanong ilabas ng Ombudsman ang resulta ng nasabing kaso na isinampa laban kay Gordon noong 2001.

Batay sa rekord, ang tat­long ulit ng graft ay isinampa ni SBMA Internal Audit Services Department Manager Antonio Mendoza matapos na madiskubre na binigyan umano ng sahod ng SBMA ang 330 na umano’y volunteer workers dito na hindi naman inaprubahan ng Commission on Audit.

Ang mga nasabing volunteer ay wala umanong karapatan na mabigyan ng suweldo ngunit nadiskubre na nasa payroll ang mga ito. (Butch Quejada)

AYON

BATAY

BETTER PHILIPPINES CHAIRMAN MICHAEL SAY

BUTCH QUEJADA

CRUSADE FOR

GORDON

INTERNAL AUDIT SERVICES DEPARTMENT MANAGER ANTONIO MENDOZA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

RICHARD GORDON

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with