^

Bansa

Panawagang mag-resign minaliit ni Gonzalez

-

Wala umanong dahi­lan upang magbitiw sa kan­yang tungkulin si Justice Secretary Raul Gon­zalez sa harap ng pana­wa­gan ni Paraña­que Rep. Roilo Golez kaug­nay na rin sa kontrober­syal na kaso ng Alabang boys.

Ayon sa Kalihim, ma­linaw umano na may halo at kulay pulitika ang ha­mon ni Golez dahil kung gusto umano nitong ku­mandi­datong Senador sa pama­ma­gitan ng una ay maari niyang gawin ito subalit wala umanong persona­lidad ang huli upang hingin ang kan­yang resignation.

Minaliit din ni Gonza­lez ang pasaring ng kan­yang mga kritiko na mag-leave of absence na rin muna ito para maprotek­syunan ang imahe ng departamento.

Nilinaw ng Kalihim na wala siyang dapat gawin ngayon kundi tapusin ang resolusyon ng kaso sa Alabang boys upang ma­tukoy ang puno’t dulo ng lahat ng kontrobersya na ito.

Pinaalalahanan na­man ni Gonzalez ang mga prosecutors na pi­nag­bakasyon ng Malaca­ñang na maging professional at tanggapin ng maluwag ang kanilang “setbacks” sa ngayon.

Samantala, pinayu­han din ng kalihim si State Prosecutor John Resado na pag-isipang mabuti bago mag­hain ng kasong libelo laban sa mga opis­yal ng PDEA at ilang mamama­hayag.

Masyado pa umanong maaga para magsampa ng kaso dahil mayroon pang mga imbestigasyon na isinasagawa ang NBI, Ombudsman at ang independent body na itinatag.

Dapat muna umanong hintayin ni Resado ang ma­giging resulta ng im­besti­gasyon bago ito mag­hain ng kasong libelo. (Gemma Amargo-Garcia)

ALABANG

AYON

DAPAT

GEMMA AMARGO-GARCIA

GOLEZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GON

KALIHIM

ROILO GOLEZ

SHY

STATE PROSECUTOR JOHN RESADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with