^

Bansa

Mambabatas sinunog

-

Isang mambabatas sa Singapore ang sinunog ng isang lalakeng naim­biyerna nang mabigo siyang makatanggap ng perang pinamigay ng biktima sa mahihirap na residente sa pagdiri­wang kamakalawa ng Lunar New Year.

Kinilala sa isang ulat ng lokal na pahayagang Straits Times ang biktima na si Seng Han Thong, 59 anyos.

Nalapnos ang ulo, mga bisig at itaas na bahagi ng katawan ni Seng makaraang buhu­san siya ng gasolina at sindihan ng suspek na si Ong Kah Chua, 70 anyos.

Isa pa sa nasugatan sa pananalakay ni Ong ang isang 69 anyos na community leader sa kanilang lugar.

Inaresto ng pulisya si Ong na kinasuhan ng two counts of causing grievous hurt.

Nabatid na si Ong ay isang dating taxi driver na labas-masok sa Institute of Mental Health ng Singa­pore.

Ayon sa ulat, pinag­liyab ni Ong ang katawan ni Seng matapos itong mamigay ng pera sa mahihirap na residente sa isang community center sa Singapore.

Ang mga perang pina­mudmod ni Seng ay naka­silid sa pulang envelope at tradisyon nang ginagawa tuwing Lunar New Year.

Pero napaulat na hindi nakatanggap si Ong ng pinamigay na pera kaya nagalit siya, binuhusan ng gasolina ang mambaba­tas bago pinag-apoy ang katawan nito. (Associated Press)

ASSOCIATED PRESS

AYON

INSTITUTE OF MENTAL HEALTH

LUNAR NEW YEAR

ONG

ONG KAH CHUA

SENG

SENG HAN THONG

SHY

STRAITS TIMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with