Ceasefire sa Gaza hingi ng UN
Nanawagan kahapon ang UN Security Council para sa agarang pagpapatupad ng matagalang tigil-putukan o ceasefire sa Gaza, kasunod nang pahayag na halos 1/3 o isa sa bawat tatlong Palestino na ang nasasawi dahil sa naturang kaguluhan at karamihan naman umano sa mga sugatan ay pawang mga paslit.
Sa isang resolusyon na ipinalabas nito kamakalawa ng gabi sa New York, binigyang-diin ang urgency ng panawagan para sa agarang ceasefire, na maaaring magresulta sa full withdrawal ng pwersa ng Israel mula sa Gaza. Nabatid na nagkaroon umano ng 14-0 na botohan pabor sa resolusyon. Bagamat nag-abstain ang United States, sinabi naman ni US Secretary of State Condoleezza Rice na buo ang pagsuporta ng Amerika sa naturang resolusyon.
Umaabot na umano sa 760 Palestinians at 13 Israelis ang nasawi sa 13 days na kaguluhan sa Gaza, na sinimulan noong Disyembre 27.
Sa nasabing bilang ng mga Palestinian na nasawi ay nabatid na umaabot sa 257 ang mga paslit habang 1,080 na bata naman ang kasama sa 3,100 na naitalang nasugatan dahil sa giyera. (Mer Layson)
- Latest
- Trending