^

Bansa

3 DOJ officials pinagbibitiw

-

Gusto nina Cebu City Rep. Antonio Cuenco at Pa­ rañaque Rep. Roilo Golez na pagbitiwin sa puwesto at kasuhan ang tatlong mata­taas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) na naging kontrobersyal hinggil sa isyu ng tinaguriang ‘Ala­bang Boys’.

Sinabi ng dalawang kon­gresista na dapat mag­bitiw sina DOJ Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, Undersecretary Ricardo Blancaflor at Prosecutor John Resado kaugnay sa naging aksyon nila sa kasong isinampa ng PDEA laban sa mga drug suspects.

Naging kontrobersyal ang isyu ng ‘Alabang Boys’ na sina Joseph Tecson, Richard Brodett at Jorge Joseph na nahulihan ng mga ipinagbabawal na gamot sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at dahil dito naging usapan na may P50 million bribe mo­ney ang umano’y napunta sa DOJ.

Gayunman, sinabi ni Zuño na hindi siya magbi­bitiw sa puwesto hanggang hindi nalilinawan ang isyung binabanggit.

May resolusyon pang nakabinbin sa Court of Appeals na humihingi ang pamilya at abogado ng ‘habeas corpus’ para mapalaya ang mga suspect sa pag­kakapiit sa detention center ng PDEA.

‘Kung magbibitiw ako tiyak sasabihin ng publiko na may kinalaman at kasa­lanan ako sa mga bintang na inaakusa sa amin pati pamilya ko ay maapektuhan ng tsimis,’ ani Zuño.

Ayon naman kay Re­sa­do, walang karapatan si Cuen­­co na pagbitiwin siya dahil tama lamang ang kanyang naging desisyon sa kaso ng Alabang Boys.

Sinabi ni Redaso na hihilingin niyang maalis siya sa anti-illegal drug body ng departa­mento. (Butch Quejada)

vuukle comment

ALABANG BOYS

ANTONIO CUENCO

BUTCH QUEJADA

CEBU CITY REP

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZUNO

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JORGE JOSEPH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with