Pamilya ng 'Alabang Boys' nagpasaklolo na sa CA

Nagpasaklolo na ka­ha­pon sa Court of Appeals (CA) ang pamilya ng mga suspek ng tina­guriang “Alabang Boys”.

Ito ay matapos na maghain ng petition of writ of habes corpus ang abogado ng mga suspek na sina Richard Brodett at Joselito Tecson na si Atty. Felixberto Verano.

Nakasaad sa petition na palayain ang dala­wang suspek mula sa kostodiya ng PDEA dahil wala itong balidong dahilan upang patuloy na ikulong sina Brodett at Tecson.

Ang patuloy umanong pagpiit ng PDEA sa da­lawa ay malinaw na pag­labag sa karapatan ng mga suspek at ng Kons­titusyon dahil sa mayroon ng joint inquest resolution na may petsang Disyem­bre 2 ang DOJ na pala­yain ang mga ito dahil walang probable cause sa kanilang kaso.

Kabilang sa respondent sa kaso sina PDEA Director General Dionisio Santiago, Major Ferdi­nand Marcelino at Atty. Alvaro Lazaro. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments