^

Bansa

Joey Marquez inabsuwelto ng Sandiganbayan

-

Ibinasura ng Sandiganbayan ang dalawang kasong kriminal na isinampa laban kay dating Paranaque Mayor Joey Marquez at dalawang iba pa kaugnay sa umano’y di pagbabayad sa mga pinagawang libro na nagka­kahalaga ng P6.41 milyon noong 1998.

Sa 16-pahinang resolution ng Sandiganbayan third division na ipinalabas noong December 22, 2008, sinabi nito na nabigo ang tanggapan ng Ombudsman na maglabas ng matibay na ebidensiya laban kay Marquez na magpapatunay na hindi nito binayaran ang mga textbook supplier na Kejo Educational System, Merylyn Publishing House at Southern Christian Commercial na inireprisinta ni Lizabeth Carreon.

Kasama ni Marquez na naabsuwelto sina Paranaque City School Division Supt. Rolando L. Magno at Executive Assistant to the City Mayor Mario Jimenez.

Samantala, naghain din ng mosyon si Marquez sa Sandiganbayan 4th division para maibasura nman ang limang ulit na kaso ng katiwalian laban sa kanya kaug­nay sa maanomalyang pagbili ng administrasyon nito ng mga walistingting na nagkakahalaga ng P2.9M.

Una ng pinatawan ng parusang 50-taong pagkabi­langgo si Marquez ngunit ito ay nakalaya matapos na maghain ng piyansa.

CITY MAYOR MARIO JIMENEZ

EXECUTIVE ASSISTANT

KEJO EDUCATIONAL SYSTEM

LIZABETH CARREON

MARQUEZ

MERYLYN PUBLISHING HOUSE

PARANAQUE CITY SCHOOL DIVISION SUPT

PARANAQUE MAYOR JOEY MARQUEZ

ROLANDO L

SANDIGANBAYAN

SOUTHERN CHRISTIAN COMMERCIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with