^

Bansa

Trapik na naman!

-

Nagka-buhol-buhol na ang daloy ng trapiko ka­hapon sa ilang mga pa­ngu­nahing lansangan sa Kalakhang Maynila dahil sa pagdagsa ng mga pa­saherong nagsisiuwian mula sa mga probinsiya matapos ang mahabang bakasyon.

Sa Pasay City, mada­ling-araw pa lamang ay halos hindi na madaanan ang mga kalye sa palibot ng mga naglalakihang bus terminals ng lungsod.

Pahirapan din sa pag­sakay sa taxi kaya hindi maiwasan na mag­talo ang mga pasahero at abusa­dong tsuper na nango­ngon­trata.

Punuan din ang mga parking areas kaya ilan sa mga residente na malapit sa mga bus terminals ang naabala at nagreklamo na rin dahil maging ang ka­nilang mga driveways ay naharangan ng mga sa­sak­yan.

Ilan naman sa commuters ang nagreklamo sa kakulangan ng mga traffic enforcers na inaasa­hang mag-aayos at gaga­bay sana sa mga moto­rista dahilan upang mas lu­mala kahapon ang tra­piko. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BUHOL

BUS

ILAN

KALAKHANG MAYNILA

PAHIRAPAN

PUNUAN

ROSE TAMAYO-TESORO

SA PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with