66 Pinoy sa Gaza ililikas ngayon
Pumayag nang lumikas at umuwi ng Pilipinas ang may 66 Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Gaza bunsod na rin nang patuloy na military offensive na isinasagawa doon ng Israeli forces.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos, naipa-book na nila ang biyahe ng naturang 66 Pinoy na inaasahang ililikas ngayong araw at pansamantalang dadalhin sa Amman, Jordan upang doon sila sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas.
Nabatid na karamihan umano sa Pinoy sa Gaza ay kasal sa mga Palestinian kaya’t doon na naninirahan.
Wala namang binanggit na plano ang DFA para sa mga Pinoy na naninirahan naman sa Israel. (Rudy Andal/Mer Layson)
- Latest
- Trending