^

Bansa

Taxi posibleng magbaba ng pasahe

-

Posible umanong mag­­baba ng pasahe ang mga taxi ngayong taon dahil sa patuloy na pag­baba rin ng halaga ng ‘liqui­fied petroleum gas (LPG).

Inihayag ito ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Thomp­­son Lantion kasa­bay ng pag­titiyak na walang pagta­taas sa presyo ng pasahe sa mga taxi sa imple­men­tasyon ng pagbibigay ng resibo ng mga taxi driver sa mga pasahero.

Iginiit nito na ang umiiral na flag­down rate na P30 pa rin ang dapat singilin ng mga drivers­ ng taxi sa ka­bila ng pag-iisyu ng resibo.

Malaking bagay uma­no ngayon ang patuloy na pagbulusok ng halaga ng krudo sa internas­ yunal na merkado kung saan apek­­tado rin ang LPG na gina­gamit na ngayon ng mara­ming mga taxi lalo na ang mga malalaking operators.

Gagawin namang unti-unti ng LTFRB ang imple­men­tasyon ng ba­gong polisiya sa pagbi­bigay ng resibo sa mga pasahero na hihingi nito.  Dalawang opsyon ang nakikita ng ahensya kung saan ma­aaring gumamit ang mga operators ng sariling ‘equipment’ o manual na magbigay ng resibo ang taxi driver.

Kasama sa impor­mas­yon sa resibo ang panga­lan ng taxi, halaga ng pa­sa­he, petsa, contact number, at ‘tax identification number (TIN)’.

Sinabi ni Lantion na huwag namang asahan ng mga pasahero na lahat ay makakatupad agad sa bagong polisiya kung saan kinakailangang maka­tupad ang mga ito bago magsagawa ng “technical inspection” ang LTFRB sa unang mga buwan ng 2009 bilag pa­lugit. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN THOMP

DALAWANG

DANILO GARCIA

GAGAWIN

IGINIIT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LANTION

SHY

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with