Escort ni GMA inatake sa puso

San Fernando City, La Union - Isang miyem­ bro ng Presidential Security Group (PSG) na escort ni Pangulong Arroyo ang namatay dahil sa cardiac arrest.

Nasawi habang gina­gamot sa Bethany Hospital sa lungsod na ito si Alejandro Argonido ma­tapos atakihin sa puso.

Kabilang si Argonido sa escort ni Pangulong Arroyo nang magtungo ang Chief Executive ka­makalawa sa lungsod na ito para gunitain ang ika-112 death anniversary ni Dr. Jose Rizal.

Nakaramdam ng pa­ni­nikip ng dibdib si Ar­gonido habang nasa Thunderbird resort and hotel sa Poro Point kung saan ay idi­naos kama­kalawa ng gabi ang media reception ng Pangulo para sa Region 1 media­men.

Kinumpirma ni Dra. Florida Mendoza, attending physician ni Argo­nido, na dinala na rin sa May­nila ang bangkay ng PSG member para isailalim sa awtopsiya. (Rudy Andal)

Show comments