Escort ni GMA inatake sa puso
San Fernando City, La Union - Isang miyem bro ng Presidential Security Group (PSG) na escort ni Pangulong Arroyo ang namatay dahil sa cardiac arrest.
Nasawi habang ginagamot sa Bethany Hospital sa lungsod na ito si Alejandro Argonido matapos atakihin sa puso.
Kabilang si Argonido sa escort ni Pangulong Arroyo nang magtungo ang Chief Executive kamakalawa sa lungsod na ito para gunitain ang ika-112 death anniversary ni Dr. Jose Rizal.
Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Argonido habang nasa Thunderbird resort and hotel sa Poro Point kung saan ay idinaos kamakalawa ng gabi ang media reception ng Pangulo para sa Region 1 mediamen.
Kinumpirma ni Dra. Florida Mendoza, attending physician ni Argonido, na dinala na rin sa Maynila ang bangkay ng PSG member para isailalim sa awtopsiya. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending

















