^

Bansa

Abu Sayyaf desperado na

-

Desperado na ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) dahil ultimong mga batang kalye ay dinudukot na rin ng mga ito, ayon sa opisyal ng militar kahapon.

Sinabi ni Navy Spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo, patunay nito ay ang pagdukot ng mga bandido noong linggo sa biktimang si Andrea Cuevas Diman sa Lamitan City, Basilan na kung tutuusin ay anak ng isang sapatero at isang kaminera na walang pambayad ng ransom.

Si Diman ay pinalaya ng Abu Sayyaf matapos ang pakikipagnegosasyon na isinagawa ni Lamitan City Mayor Rhoderick Furigay dakong alas-11 ng tanghali nitong Martes.

“It’s a desperate act pati batang kalye kinikidnap nila,” ani Arevalo matapos na mabatid na isang batang kalye si Diman na mga kapwa batang lansangan na mahihirap rin sa lungsod ng Lamitan ang kalaro ng mangyari ang pagdukot dito.

Nabatid na basta kumita umano ng pera ang Abu Sayyaf kahit na maliit na halaga lamang ng ransom ay payag na ang mga ito.

“The Abu Sayyaf has resorted to kidnapping low-key victims. This should be a cause for alarm on the part of the public,” ani Arevalo na hiningi ang suporta ng taumbayan upang masupil ang tala­mak na kidnapping na kinasasangkutan ng ban­didong grupo. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ANDREA CUEVAS DIMAN

AREVALO

EDGARD AREVALO

JOY CANTOS

LAMITAN CITY

LAMITAN CITY MAYOR RHODERICK FURIGAY

NAVY SPOKESMAN LT

SI DIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with