^

Bansa

Daan-daang bulalakaw sasalubong sa Bagong Taon

- Danilo Garcia -

Sasabayan ang ma­ku­lay at maingay na ‘fireworks display’ na pagsa­lubong sa Bagong Taon ng daan-daang ‘meteor shower’ sa kalangitan na tatagal ng limang araw mula Enero 1 hanggang 5.

Sa obserbasyon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bibisi­tahin ang mundo ng “Quandrantid meteors” na taun-taong nagpapakita.

Sinabi ni Pagasa astronomy chief, Dr. Cynthia Celebre, aabot sa 40 bulalakaw ang guguhit sa kalangitan sa loob ng bawat oras. Pinakama­rami umanong masisila­yan sa himpapawid ang mga bulalakaw sa Enero 3 pagkatapos ng hating­gabi.

May bilis ang mga bu­lalakaw ng 40 kilometro kada segundo sa pag­tama nito sa atmospera ng daigdig.

Sa pagtataya rin ng Pagasa, unang magaga­nap ang taunang “eclipse” ng araw sa Enero 26.  Makikita ito sa Metro Manila bilang partial eclipse dakong alas-4:55 ng hapon at magiging ganap na eclipse dakong alas-5:51 ng hapon.

Samantala, umabot na sa Eastern Samar ang “low pressure area (LPA)” na pinangangambahang maging isang ganap na bagyo.  Huling namataan ito ng Pagasa dakong alas-2 ng kahapon ng madaling araw may 190 kilometro sa timog sila­ngan ng bayan ng Guiuan ng naturang lalawigan.

BAGONG TAON

DR. CYNTHIA CELEBRE

EASTERN SAMAR

ENERO

GUIUAN

HULING

METRO MANILA

PAGASA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with