Bugbugan sa golf course: 'Kami ang biktima' - Pangandaman

Mariing itinanggi kaha­pon ng anak ni Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman Sr. ang pam­bu­bugbog sa isang 14-na taong gulang na batang lalaki at sa ama nito sa isang golf course sa Antipolo noong Biyernes.

Ayon kay Nasser Pa­ngan­daman, Jr., mayor ng Masiao, Lanao del Sur, sila ang biktima ng nasabing pambubugbog at hindi tulad ng mga lumalabas sa balita sa ilang pahayagan.

Paliwanag ni Mayor Pangandaman, naglalaro sila ng golf sa Valley Golf and Country Club sa Anti­polo, noong 11:00 ng uma­ga ng December 26, nang mag­karoon ng isang ma­ini­tang pagtatalo ang grupo niya at ng pamilya dela Paz sa pangunguna ng ama nito na si Delfin, 66; anak na si Marie, 18, at anak na si Bino, 14, at naglalaro ng golf noon sa Hole No. 3, nang dumaan ang grupo ni Pa­ngan­daman.

Ayon kay Nasser Jr., dumaan sila dahil hina­habol nila ang kanilang kasama na ng mga oras na iyon ay nasa Hole No. 4 na, dito na umano nagalit si dela Paz at sinita sila kung bakit ino-overtake sila at hindi sila makapaghintay.

Magalang pa umanong humingi ng paumanhin si Nasser, Jr at sa inakala nito na naayos ang prob­lema at tumuloy na sila sa Hole No. 5, ngunit nang pumapalo na si Nasser, Jr. ay bigla uma­nong pumalo din ng golf ang grupo ni dela Paz at muntik na silang tamaan at dito nag-umpisa na naman ang mainitang pagtatalo ng dalawang panig.

Naawat lamang ang dalawang grupo sa pa­mamagitan ni Sec. Pa­ngandaman at ilang staff ng golf course.

Kapwa pamilya ay nagsampa ng reklamo sa Antipolo Police matapos ang insidente. (Butch Quejada)

Show comments