^

Bansa

Banta sa kapaligiran nananatili sa bansa

-

Sa kabila ng pagpapalabas ng pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, naniniwala ito na nananatili pa ring may banta ng pa­nganib sa kapaligiran.

Isinisi rin ng CBCP sa tatlong pangunahing banta sa kalikasan na kinabibilangan ng iresponsableng pagmimina, illegal na pagputol ng kahoy at global warming ang pagkasira ng kalikasan.

Ayon kay CBCP President at Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, makalipas ang may 20 taon matapos nilang ipalabas ang naturang pastoral letter hinggil sa proteksyon sa kalikasan ay nanatili aniya ang kabiguan sa mga nakalipas na taon.

Masasabi rin aniyang nasa panganib na ang ating bansa lalo na’t lahat aniya ng uri ng lupa at mga yamang dagat ay sinisira.

Bunsod nito, hinikayat ni Lagdameo ang publiko na gawin ang lahat para protektahan ang kalikasan, gaya ng kagubatan, coral reefs at mangroves. (Doris Franche)

AYON

BUNSOD

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

ILOILO ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

ISINISI

JARO

LAGDAMEO

MASASABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with