Pinagkalooban ng pamasko ni Pangulong Arroyo ang may 19 inmates ng executive clemency kung saan ay 10 dito ang binigyan ng conditional pardon habang ang 9 naman ay commutation of sentence.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, ang binigyan ng conditional pardon ni Pangu long Arroyo ay sina Joaquin Ambojnon, Floresto Baldona Sr., Alejandro Bato, Antonio Bolanda, Leodegario Esoq, Abundo Fernandez, Jesus Nocora, Arnaldo Ricafort, Mariano Ronda at Ambrocio Villapana.
Napababa naman ang sentensiya nina Noel Aguilar, Adolfo Catabay, Lerry Castillo, Baltazar de Leon, Elpidio Ducusin, Thomas Ofracio Jr., Romy Sagun at Regoberto Ybeas.
Inaasahan ni Mrs. Arroyo na magiging masaya ang Pasko ng mga naturang inmates. (Rudy Andal)