^

Bansa

7 sibilyan niratrat ng MILF

- Joy Cantos -

Binistay ng bala ng mga armadong tauhan ng pasaway na si Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegade Commander Ameril Umbra Kato ang pitong sibilyan sa magkahiwalay na karahasan sa bisperas ng Pasko sa bayan ng Sen Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Julieto Ando, pawang nasawi sa insidente ang pitong si­bilyan na inaalam pa ang mga pangalan.

Si Kato ay may patong sa ulong P10M kaugnay ng madugong pag-atake sa 15 baran­gay sa pitong bayan ng North Cotabato nitong Agosto.

Ayon kay Ando, unang umatake ang mga re­ belde dakong 9:30 ng umaga sa Brgy. Mid­tungok sa bayan ng Sen Ninoy Aquino kung saan niratrat ang ilang kaba­hayan dito gamit ang rocket propelled grenade.

Agad nasawi sa insi­dente ang tatlong sibilyan matapos na magtamo ng malulubhang sugat sa katawan.

Bandang 4:30 naman ng hapon ng sumunod na umatake ang grupo ni Kato at muling nagpaulan ng bala sa lugar na ku­mitil ng buhay ng apat pang sibilyan.

Isa ang naitalang su­gatan sa insidente na ma­bilis na isinugod sa pa­­gamutan para mala­patan ng lunas.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na idineploy sa lugar ang tropa ng Army’s 75th Infantry Battalion (IB) upang mangalaga sa seguridad ng mga sibil­yan sa naturang komuni­dad. 

vuukle comment

COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JULIETO ANDO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

SEN NINOY AQUINO

SHY

SI KATO

SPOKESMAN COL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with