Four-mula sa pagsalubong sa Bagong Taon inilabas ng DOH

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang ka­nilang FOUR-mula sa pagsalubong sa Bagong Taon kasabay ng paglu­lunsad ng progra­mang Iwas-paputok upang ma­iwasan ang disgrasya.

Tinukoy ni Health Sec­retary Francisco Du­que ang Four-mula kon­tra paputok na kinabibi­langan ng 1) huwag mag­paputok ng anumang uri ng pa­putok at sa halip ay guma­mit na lamang ng pam­paingay sa pagsa­lubong ng Bagong Taon gaya ng torotot, lata at iba pa. 2) Huwag pupulutin ang paputok na hindi pumutok dahil karani­wang dito nagsisimula ang disgrasya 3) sa oras na maputukan na, tiyakin na linisin agad ang sugat maliit man o malaki ito at magtungo sa malapit na pagamutan para mala­patan ng anti-tetanus vac­cine, at 4) huwag mag­papaputok ng baril.

Ayon kay Duque, ma­laki ang responsi­bilidad ng mga magulang para ma­tiyak ang kaligtasan ng kanilang mga anak laban sa nakamamatay na mga paputok, dapat umanong tiyakin ng mga magulang na hindi bibili, gagamit o lalapit sa anu­mang uri ng paputok ang kanilang mga anak ma­tapos na rin nitong tuku­yin na pabata ng pa­bata ang mga biktima ng paputok na nasa edad na 10 anyos pababa.

Inatasan din ng DOH ang mga local government units na maging respon­ sable sa kanilang mga nasasakupan sa pa­ma­magitan ng pagtata­laga ng isang designated o common area para sa fireworks display at pag­siguro na agad itong mali­linis pag­karaan ng putu­kan para iwas disgrasya naman sa mga bata na maaaring magpulot ng mga tira-tirang paputok.

Sinabi ni Duque na taun-taon ay hindi naka­ka­limutan ng DOH ang pag­papaalala sa panga­nib na hatid ng pagpapa­putok subalit hindi pa rin lahat ay tumatalima dito kung kayat isang panu­kala na ang ihahain ng ahensya sa Kongreso para tuluyan nang ma­ipag­bawal ang pagma­manufacture at pagbe­benta ng anumang uri ng paputok.

Sa datos ng DOH, simula Disyembre 21, 2007 hanggang January, 2008 ay nasa 869 ang naitalang biktima ng paputok sa nasabing bilang ay 14 dito ay dahil sa ligaw na bala at 1 dito sa watusi at isa pa sa luces powder.

Sa nasabing bilang ay 80% ang mga lalaki at 69% ng biktima ay sa National Capital Region (NCR).

Ayon naman sa Philippine National Police (PNP), mahigpit na ba­ban­­tayan ang pagbebenta at pagkumpiska sa mga paputok na kabilang sa listahan ng mga ban, particular dito ang mga wa­tusi, piccolo, boga, plapla at big trianggulo. (Doris Franche)

Show comments